| THIS IS A 1 OF A KIND TAGALOG POEM...sana mga tsong....give comments... i know.....it's in the rule....pls....bear with me....this is my poem, dedicated to anyone who understands tagalog....a suicide poem actually.....
Ingrid
Kulang ang salitang mahal kita
Dahil nais ng puso ang madama
Kulang ang isang maikling tula
Upang patunayan sa lahat ng madla
Napakaikli ng panahon ang sa akin
Na patunayan sa’yo kahit magpaalipin
Ang pag-asa na noon ay sana natupad
Dapat sanang pinagbutihan ng walang tulad
O Ingrid maraming salamat sa ligaya
Na sa unang buwan aking nadama
Sana’y huwag kalimutan ang pinagsamahan
Na kahit na nabiak ay akin ring pinagbutihan
Tuluyan mo ng kinalimutan ang araw
Noong mga bulaklak pa ay nagsasayaw
Tuluyan mo ng kinalimutan ang iyong sinabi
Noong tayo’y magkasama sa isang tabi
Hindi ko makalimutan noong sinabi mo
Na mahal na mahal mo ang isang katulad ko
Sinabi mo na ayaw mong ikaw ay iiwan
Pero kinain mo lang at ako ay pinalitan
Ipagpatawad mo kung nagkulang ako
Sa pagrespeto at pag-unawa sa’yo
Ngayon ay narito nagsusulat ng tula
Nais na magpaalam dahil malapit ng mawala
Kapag ang kandila ay upos na
Sana huwag kaligtaan ang pumunta
Sana dalawin ang isang katulad ko
Na noon ay minahal at pinasaya mo
Ghendo Quicoy |